Nanay Ko

I don’t know how to put up the right words to say but I am really, really lucky to have my Nanay.

Hahaha…
ako ba naman na parating nakabuntot sa iyo parati…
ako ba naman na araw-araw mong ginigising para pumasok…
ako ba naman na pinagbabaunan pa ng pagkain…
ako ba naman na hinahatid sa eskwelahan dati nung elementary na tulog pa daw ako habang naglalakad…
ako ba naman na parating inaasikaso pag may sakit…
ako ba naman na nangungulit parati para kilitiin ka…
ako ba naman na hinihintay pag umuuwi nang maaga…

Sorry at…
ako minsan ay hindi nakakapagpaalam nang maayos…
ako minsan ay namimilit sa ibang bagay…
ako minsan ay tamad maglinis sa bahay…
ako minsan ay nagagalit sa ilang bagay at naiibubuhos ko sa iyo…
ako minsan ay tanghali nang gumising…

Masaya ako at…
parati nyo akong sinasamahan sa bawat pag-akyat sa stage para isabit ang ribbon…
nahawa kayo sa pakikinig ko sa Westlife…
marunong na kayong mag-text…
binibili nyo ako ng pineapple juice…
tumatawa kayo sa mga joke ko…
parati kayong andyan pag kailangan ko ng kausap…

2010, sa Sky Garden, sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina

… at di ko na alam ang dapat kong sabihin sa dami nang magaganda at masalimuot na napagdaanan natin sa buhay pero sobrang maraming salamat sa ‘yo Nanay.
I love you. 🙂

Leave a comment