Bilib Ako Sa ‘Yo

Para sa ‘yo ‘to.

Bilib ako sa ‘yo. Ang galing mo, hindi halata sa itsura mo o sa pananalita mo, yung paghihirap na pinagdadaanan mo. ‘Pag kausap kita, parang walang problema… walang tigil sa pagkukuwento, walang tigil sa katatawa.

Hindi ko alam kung pano mo nagagawa yun. Habang sinasabi mo ang iyong pinagdadaanan, sobrang hirap isipin kung paano mo kinakaya ang mga bagay. Nahihirapan ako habang nagkukwento ka. Mas lalo kong naintindihan ang paghihirap mo nung nakita ko mismo ang iyong pinagdadaanan.

Hindi ko alam ang mga tamang salita na dapat kong sabihin sa ‘yo upang maibsan ang paghihirap mo. Hindi rin natin alam ang mga plano Nya. Basta manalig lang tayo sa Kanya at ipaubaya kung anong dapat gawin at kung anong gusto nyang mangyari. Alam kong masalimuot ang daan ngunit may dahilan kung bakit binibigyan tayo ng pagsubok.

Leave a comment