My Dorm Room in Yokohama

Nagtitingin-tingin ako ng mga larawan ngayon at nadaanan ko yung mga larawan ko sa kwarto ko nung ako ay naipadala sa bansang Hapon para sa isang pansamantalang trabaho. Naroon ako ng Pasko at bagong taon. Unang pagkakataon ko na malayo sa pamilya ko sa pinakamasayang panahon sa Pilipinas.

Naalala ko tuloy ang malamig na panahon. Taglamig kasi noon nung naroon ako. May mga panahon na ayaw sumunod ngย tagapagkondisyon ng hangin na pampainit… minsan namamatay, minsan hindi tumatapat sa akin, o minsan sobrang lamig lang talaga ng panahon. May mga panahon na sobrang ramdam ko ang lamig, lalo na kapag nadidikit ako sa pader. Wala rin akong kumot. ๐Ÿ˜ฆ

Picture0049.jpg

Naawa lang ako sa unan ko… haha, wala akong pagpipilian kaya pinagtiisan ko na lang.

Picture0047.JPG

Sinusubukan ko lang yung damit panlamig ko. Pupunta kasi kami sa isang pasyalan na maraming nyebe.

Picture0053.JPG

Ang maluwag na kwarto ko.

Mabuti nga at di ako natakot dito. Matatakutin pa naman ako. Nauso pa naman dati ang mga nakakatakot na palabas mula sa Hapon. Kahit tinatakot ako ng mga kasama ko sa dormitoryo, kasi dalawa yung kama dito sa kwarto na ito, sinasabi nila minsan mayroon daw akong kasama sa kwarto. Hahaha! Di naman ako natakot, dun ko nilalagay sa kabilang kama yung mga tinupi ko nang damit.

Ngunit, naging masaya naman ang aking pamamalagi sa tulong ng mga kasama ko sa dormitoryo at yung mga masasarap na tanawin at pagkain ng mga Hapon! ๐Ÿ™‚

It’s Been A Long Time When I Felt This Tired

Grabe pagod ko kahapon. Nakakadrain.

Nakakatulog na nga ako sa bus dahil sa sobrang pagod. Pakiramdam ko pa wala akong nagawa masyado kahapon. Pag-uwi ko sa bahay, buti na lang, di na ako nakakain dahil dumiretso na ako sa kwarto. Mabuting bagay pa rin. Hehe

So ngayon, I think I will be anxious about what I will be having later today. Kinakabahan ako. ๐Ÿ˜” Pero ganun talaga. Tingnan ko na lang mamaya.

I Cannot Stay Like This

Na-mi-miss ko yung tao na papagalitan ako sa dahil sa katangahan ko ngayon. Kaso di ako pwede tumakbo ulit sa kanya for the same whining kasi ilang beses na nya akong pinagsabihan dati. Masyado kasing matigas yung ulo ko. Ayan, tuloy pa rin ang sakit.

I’ve been chasing someone. I don’t deserve this kind of treatment. I need to move on and get back to my previous state. When will I realize that I need to stop?