Well, not really. This is not a rant post.
Gusto ko lang i-log dito yung pangyayari kahapon para mabasa ko ulit :p
June 3, 2014
Usual commmute to work.
Palabas na ako nang bahay nang nagsimulang umulan. Great start! I still decided to walk from home to MRT North Avenue (like I usually do) dahil may payong naman.
Pagdating ko sa ticket gates sa station, paalis na ung train, so next train na lang. I got on the train… Then on Quezon Avenue station nawalan ng power. =)) Panalo. 15minutes (for me) of sauna inside the train. Dito makikita mo kung gano matiisin ang Pilipino. Well, wala rin kasing announcement agad kung bakit nahinto. Na-amaze ako nang may nag-announce na “anytime” pwede bumalik sa normal ung operations. :)) Dahil di ko makayanan ang init at one hour na lang at ma-le-late na ako, I decided to took the bus.
Habang pababa ng stairs, na-realize ko, nagsimula na pala ang school year so expect traffic.
At dahil sa init, aircon bus yung pinili ko. Haha, lahat ng stops (kahit hindi bus stop) nahinto ang bus. Huhu. Panic mode. Jk. Chill lang but I was thinking how can I get faster.
With only 13minutes left before 11am, nakapag-drop off na sa tapat ng Megamall footbridge, at ginagawa pala sya… So the next footbridge ay sa Shaw Boulevard station. Di ko alam, but with slightly aching feet and legs (due to last weekend adventure), nagawa ko pang tumakbo. Hahaha, what I truly miss from running. 🙂 Buti na lang wala nang ulan nito.
Yun lang. Ligo sa pawis ang itsura. Made it just in time.