Para sa ‘yo ‘to.
Bilib ako sa ‘yo. Ang galing mo, hindi halata sa itsura mo o sa pananalita mo, yung paghihirap na pinagdadaanan mo. ‘Pag kausap kita, parang walang problema… walang tigil sa pagkukuwento, walang tigil sa katatawa.
Hindi ko alam kung pano mo nagagawa yun. Habang sinasabi mo ang iyong pinagdadaanan, sobrang hirap isipin kung paano mo kinakaya ang mga bagay. Nahihirapan ako habang nagkukwento ka. Mas lalo kong naintindihan ang paghihirap mo nung nakita ko mismo ang iyong pinagdadaanan. Continue reading “Bilib Ako Sa ‘Yo”