Paboritong Kainan ni Nanay

At least once a month (ok, minsan once a week), inaaya ko si nanay lumabas. Kahit dyan lang sa SM North para makapag-lakad-lakad naman, maiba naman kasi puro sa bahay lang. Minsan game naman si nanay, minsan hindi, depende kung maayos ung pakiramdam nya.

Kanina niyaya ko sya kumain doon sa may Banawe Street (Quezon City). Game daw sya kasi di pa nya nttry doon, ako rin.

Sa dami na ng aming nakainan, mukhang di naman nya natatandaan kung saan kami kumakain, I mean kung anong pangalang ng restaurant. Minsan pag sinabi kong nakakain na tayo dyan, sasabihin nyang di ko alam. Pero napapansin ko lately, at nabanggit na naman nya kanina ung Banapple. Sa isip-isip ko, “Favorite!? Favorite!?” Haha!

Ribs!!!

Ribs!!!

Kuha ito noong May 24, 2015. Parang birthday dinner na nya ito. Sabi nya kanina, gusto daw nya ng noodles. Nakita nya sa kabilang table, yun daw yung i-o-order nya sa susunod. Di ko sure kung may noodles dun sa Banapple. I guess, kailangan na namin bumalik doon soon.

Leave a comment