Nagpunta kami ng nanay ko sa Baguio last May25-26, 2013. Dun kami nagdiwang ng kanyang kaarawan, para maiba naman. Kinulit ko sya nang ilang beses na mag-Baguio kami. Given na malayo ang byahe at magbu-bus lang kami, alam kong mahirap syang pilitin kasi di rin sya mahilig sa mahahabang byahe tsaka medyo kinakabahan din kasi kung anong pwedeng mangyari sa byahe kasi nga zigzag road… Mabuti naman at maganda ang panahon nung gabi na nagbyahe kami. Kaso since medyo biglaan din ang lakad na ito, di kami nakakuha ng mas maayos na bus. Oo nga pala, mahina din pala si nanay sa aircon na bus, buti naman at nung gabing iyon ay game sya. We took an overnight bus to Baguio.
First time kong pumunta ng Baguio kasama ng nanay ko, first time nyang mapauntang Baguio. Nakakatawa lang kasi wala akong itinerary, kasi ung mga dating punta ko sa Baguio ay puro sandali lang tapos may mga kasama pa so sumusunod lang ako. Kaya pagdating namin ng bus, sabi ko sa nanay ko, “San na tayo pupunta?”. Haha. Nagsimula na akong mag Google ng mga maaring puntahan/kainan sa Baguio. Naalala ko ung masarap at sulit na nakainan namin dati ung huli kong punta, yung “Good Taste”. Since wala ngang itinerary at batid kong mas mura yung taxi doon kaysa sa Maynila, puro taxi lahat ng sasakyan namin dito, hehe.
Continue reading “Nanay in Baguio”